Posted June 15, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Tiniyak ni Department of Interior and Local Government
Unit (DILG) Secretary Mar Roxas na makakatanggap ng bagong patrol jeep para sa
police operations ang 17 bayan sa Aklan.
Ito ang kanyang sinabi sa harap ng kanyang mga taga
suporta at ilang opisyal ng probinsya sa pagbisita nito sa bayan ng Ibajay nitong
araw ng Sabado.
Ayon kay DILG Sec. Roxas buong bayan sa Aklan ang mabibigyan
ng bagong police patrol jeep para mapabuti pa ang anti-criminality at mapadami
pa umano ang turista sa lalawigan dahil ito aniya ang nagbibigay ng trabaho sa
probinsya.
Sinabi nito na sa pamamagitan ng patrol jeep ay magiging
maaayos na ang pagrespondi sa insidente ng krimen at kalamidad.
Nabatid na ang pagbisita ni Roxas sa probinsya ay para
personal na iaabot ang tseke ng Recovery Assistance ng Yolanda (RAY-II) Fund sa
local government unit sa Aklan.
Napag-alaman na ang probinsya ng Aklan ay tumanggap ng
P80.175 million mula sa P238.6 million fund sa Panay Island para sa
post-Yolanda rehabilitation efforts ng 202 pasilidad ng 186 na barangay sa 17 munisipalidad.
No comments:
Post a Comment