Posted June 17, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Nakatakdang magsagawa ng Joint Committee hearing sa
darating na Lunes ang Sangguniang Bayan ng Malay.
Ito ay kaugnay sa mainit na pinag-uusapan ngayon sa mga
social media sa ginagawang Ocean Park Hotel ng Seven Seas Developer sa Puka
Beach Boracay.
Sa ginanap na 21st Regular SB Session ng Malay
kahapon sinabi ni SB Member at Chairman ng Committee on Laws Rowen Aguirre na
masyado ng madami ang mga lumalabas na isyu sa mga social media at National TV.
Aniya, mayroong mga grupo na nagsasagawa ng online at petition
para ipatigil ang ginagawang construction.
Iginiit din nito na ang Ocean Park Hotel ay binigyan ng
LGU Malay ng building permit, Zoning Clearance at may mga sapat umano I tong requirements
dahil sa wala naman umano itong nilabag ngunit hindi umano nito alam na
maglalagay sila ng underwater rooms taliwas sa ipinasa sa kanilang plano kung
saan hindi naman umano nila ito papayagan.
Kaugnay nito nais niya umanong imbitahan ang mga
nag-iingay na grupo para mabigyang linaw ang naturang isyu kasama na ang Seven
Seas developer, Zoning, BRTF, Office of the Mayor, Brgy. Yapak Officials at
Department of Environmental Resources (DENR) sa nasabing hearing.
Nabatid na ang Joint Committee hearing ay binubuo ng
Committee on Land Use, Committee on Environment, Committee on Laws at Committee on Tourism.
Samantala, ang itinatayong Ocean Park sa naturang lugar
ay sinasabing mayroong underwater rooms kung saan makikita ng mga guests ang
marine life sa loob ng kanilang kwarto.
No comments:
Post a Comment