Pages

Tuesday, June 16, 2015

Solidarity at Unity gathering ng Friends of Flying Fox sa Boracay kagabi dinaluhan ng daan-daang katao

Posted June 16, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Photo Credit Jack Jarilla

Iksaktong ala-6:30 kagabi ng sinimulang sindihan ng grupo ng Friends of Flying Fox at ng mga nagmamahal sa Boracay ang kanilang dalang kandila.

Ito ay dinaluhan ng daan-daang manggagawa, residente at ibat-ibang organisayon sa Boracay na ginanap sa Willys Rock Station 1 para sa Solidarity at Unity Gathering.

Ang programang ito ay pagpapakita ng pagmamahal sa Boracay sa pamamagitan ng pag-protekta sa kalikasan ng isla at sa natitirang forest area nito.

Kasabay naman ng symbolic lighting of candle kagabi nagkaroon ng isang maikling programa at kantahan na inaalay para sa Boracay kabilang na ang pagbigkas ng mga dumalo rito ng salitang CPR o Conserve, Protect and Restore the Beauty of Boracay.

Ayon naman kay BFI Board of Director at Motag Brgy. Captain Neneth Graft ang kanilang ginawang pagtitipon ay upang ipakita na silang mga taga-Boracay at nagmamahal sa isla ay may ginagawa para proteksyonan ito.

Aniya, ibat-ibang kwento na kasi umano ang naglalabasan sa mga social media na tila puro negatibo kung kayat nais nilang ipakita na sila ay may mga hakbang na ginagawa sa pangangala ng Boracay.

Samantala, ikinatuwa naman ng Friends of Flying Fox na umabot sa insakting sampung libo ang kanilang petisyon na panawagan para isalba ang isla ng Boracay lalo na ang natitirang forest area sa Puka Beach.

No comments:

Post a Comment