YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, June 18, 2015

(Update) tinatayang 100 residential houses at boarding houses tinupok ng apoy sa Boracay

Posted June 18, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay 

Tinatayang nasa 100 mga residential at boarding houses kasama ang mahigit 20 establisyemento ang tinupok ng apoy sa nangyaring sunog kahapon sa Talipapa Bukid Boracay.

Ayon kay Fire Inspector Stephen Jardeleza, nahirapan silang pasukin ang ilang area ng nasusunog dahil sa bulubunduking itong lugar.

Nagsimula umano ang sunog sa isang boarding house pasado alas-2:00 ng hapon at kumalat ito hanggang sa Talipapa Bukid kung nasaan ang wet market sa lugar.

Sinasabing nagmula ang apoy sa isang kusina ng boardinghouse sa mismong likuran ng isang grocery store sa naturang lugar.

Dahil sa lakas ng hangin mabilis na kumalat ang apoy at nagtuloy-tuloy na nitong lamunin ang mga kalapit na bahay hanggang sa dumiritso sa wet market kung saan halos lahat ng tindahan ay tinupok ng apoy.

Ayon pa sa BFP Boracay umabot na sa general alarm ang nangyaring sunog pero dahil nasa isla, at wala ring nakaresponde na ibang fire trucks mula sa ibang lugar maliban sa mga fire trucks sa Boracay at ng mga resort na tumulong para maapula ang napakalakas na apoy.

Halos umabot narin ng alas-7 kagabi ang ginawang mopping up operations ng mga bomberro sa mahigit tatlong oras na nangyaring sunog.

Samantala, patuloy parin ang ginagawang embestigasyon ng mga otoridad sa boarding house na sinasabing pinagmulan ng itinuturing na pinakamalaking sunog na nangyari sa isla ng Boracay.

1 comment:

  1. I translated this news post, and the news was sad and I hope those affected will be able to recover from their loss, especially their Boracay Houses.

    ReplyDelete