Posted June 18, 2015
Ni Bert Dalida YES FM Boracay
Subali’t hindi naiwasang magpahayag ng pagkadismaya si
Vice Mayor Wilbec Gelito sa mga itinayong gusali at istraktura doon na wala sa
ayos.
Sang-ayon kasi ito na naging pahirapan para sa mga taga Bureau
of Fire at fire volunteers ang pagsugpo sa sunog dahil sa masikip ang lugar
dulot ng mga nasabing istraktura.
Kaugnay nito, sinabi ni Gelito na hindi masisisi ng mga
nagpapatayo ng gusali sa isla kung bakit mahigpit sa pagpapatupad ng mga
building requirements ang LGU Malay.
Pinasarigan din ng bise-alkalde ang mga nagnanakaw umano
sa pagpapatayo ng gusali sa isla.
Samantala, napag-alaman na halos gawa sa light materials
ang karamihan sa mga boarding houses na nasunog doon kung kaya’t mabilis na
lumaki ang apoy na tumupok din sa halos buong bahagi ng Talipapa Bukid.
No comments:
Post a Comment