Posted June 19, 2015
Ni Bert Dalida YES FM Boracay
Iginiit ngayon ng Bureau of Fire Protection Unit Boracay
(BFPU) na walang nasawi sa nangyaring sunog sa Barangay Manoc-manoc nitong
Miyerkules.
Kasunod ito ng mga kumakalat na impormasyon ngayon at
katanungan ng publiko tungkol sa kung may bata at matanda nga bang namatay sa
kasagsagan ng sunog.
Ayon kay BFPU Chief Stephen Jardeleza, wala silang
naitalang casualty o namatay sa nasabing trahedya na tumupok din sa sa mga
stalls sa Talipapa-Bukid at mga boarding houses doon.
Ayon pa kay Jardeleza, tinatayang nasa 20 million pesos
ang halaga ng mga ari-arian ang kinain ng apoy.
Samantala, maliban sa sinasabing bata at matandang nasawi
sa sunog, may kumakalat ding impormasyon ngayon na sinadya ang nasabing
trahedya.
No comments:
Post a Comment