Posted June 16, 2015
Ni Bert Dalida YES FM Boracay
Umaasa umano ngayon ang mga nakiisa sa Candle Lighting ng
Friends of Flying Foxes kagabi na maririnig ng gobyerno ang kanilang panawagan.
Isa si mismong BFI Board of Director at Motag Brgy. Captain Neneth
Graft sa mga nanguna sa nasabing aktibidad kagabi na ginanap sa harap ng
Willy’s Rock at dinaluhan ng dadan-daang katao.
Sa kanyang text message, sinabi ni ‘Kap’ Neneth na magsilbi
sana umanong “strong pressure”sa pamahalaan ang ginawa nilang hakbang upang
mapangalagaan ang isla ng Boracay.
Nabatid na nanawagan ang grupo ng Friends of Flying Foxes sa
lahat ng mga nagmamalasakit sa isla na makiisa sa kanilang adhikain sa
pamamagitan ng CPR o Conserve, Preserve, and Restore Boracay campaign.
Samantala, nagpapatuloy namang lumulobo ang mga nakiisa sa
on line petition ng Friends of Flying Foxes tungkol sa itinatayong gusali sa
Puka beach area sa Barangay Yapak.
Ito ang proyektong itinuturing na panganib para sa
natitirang gubat sa isla na tirahan ng mga tinawag na Flying Foxes o ‘kabog’ sa
lokal na salita.
No comments:
Post a Comment