Posted June 10, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Hiniling ni Manoc-manoc Brgy. Captain at Liga President
Abram Sualog sa mga taga Ati-Village na kung maaari ay sumunod na rin sila sa
umiiral na easement rule sa kanilang lugar.
Ito’y matapos na dumalo kahapon sa Sanguniang Bayan
Session ang ilang mga tagapagsalita ng Ati Community sa Boracay para humingi ng
tulong sa mga Konsehales tungkol sa kanilang Cadte sa pangunguna ni Atty.
Leilene Marie Gallardo Regional Director ng NCIP-Antique/Aklan Community
Service Center.
Ayon kay Sualog kailangan na nila itong ipatupad kagaya
ng mga nauna ng tumupad sa easement rule sa Manoc-Manoc ng sa gayon ay
tuloy-tuloy na ang magandang reporma sa kanilang komunidad.
Tumugon naman rito ng katuparan ang mga taga-Ati Village
na masaya ring ibinalita ang maayos na pamamalakad sa kanilang lugar kasabay ng
pagkakaroon ng ibat-ibang programa sa tulong ng ilang mga concern agencies at
ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP).
Nabatid na dumaan sa maraming pagsubok ang mga taga
Ati-Village sa Boracay bago mai-turn over sa kanila ang kanilang lupa na siyang
sinasabing unang nanirahan sa isla dahil sa pag-agaw umano ng kanilang mga nasasakupang
lupain.
No comments:
Post a Comment