Pages

Wednesday, June 10, 2015

Mga naninirahan sa Ati Village kinalampag sa easement rule

Posted June 10, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for Boracay Ati VillageHiniling ni Manoc-manoc Brgy. Captain at Liga President Abram Sualog sa mga taga Ati-Village na kung maaari ay sumunod na rin sila sa umiiral na easement rule sa kanilang lugar.

Ito’y matapos na dumalo kahapon sa Sanguniang Bayan Session ang ilang mga tagapagsalita ng Ati Community sa Boracay para humingi ng tulong sa mga Konsehales tungkol sa kanilang Cadte sa pangunguna ni Atty. Leilene Marie Gallardo Regional Director ng NCIP-Antique/Aklan Community Service Center.

Ayon kay Sualog kailangan na nila itong ipatupad kagaya ng mga nauna ng tumupad sa easement rule sa Manoc-Manoc ng sa gayon ay tuloy-tuloy na ang magandang reporma sa kanilang komunidad.

Tumugon naman rito ng katuparan ang mga taga-Ati Village na masaya ring ibinalita ang maayos na pamamalakad sa kanilang lugar kasabay ng pagkakaroon ng ibat-ibang programa sa tulong ng ilang mga concern agencies at ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP).

Nabatid na dumaan sa maraming pagsubok ang mga taga Ati-Village sa Boracay bago mai-turn over sa kanila ang kanilang lupa na siyang sinasabing unang nanirahan sa isla dahil sa pag-agaw umano ng kanilang mga nasasakupang lupain.

No comments:

Post a Comment