Posted June 11, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Kasado na ang Lokal na Pamahalaan ng Malay sa gaganaping
maikling programa para sa pagdiriwang ng Independence Day Celebration bukas,
Hunyo 12.
Ayon kay Malay SB Secretary Concordia Alcantara, isang
flag raising ceremony ang magaganap ngayong Biyernes kung saan dadaluhan umano
ito ng lahat ng empleyado ng Lokal na Pamahalaan ng Malay kasama na ang mga SB
Officials.
Maliban dito nakatakda naman umanong magbigay ng kanyang
mensahe si Malay Mayor John Yap para sa taunang selebrasyon.
Kaugnay nito bilang pakikiisa ng mga residente o mamamayan
sa nasabing lugar ay nagsabit din sila ng mga watawat sa kanilang mga tahanan
gayon din sa mga sasakyan at mga establisyemento.
Samantala, hinimok naman ng LGU Malay ang lahat na
makiisa sa pagdiriwang ng araw ng kalayaan ng mga Pilipino.
No comments:
Post a Comment