Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Hindi umano nagdalawang isip ang Bureau of Immigration
(BI) na palitan ang ilang immigration personnel sa Kalibo International Airport
(KIA).
Ito mismo ang kinumpirma ni Civil Aviation Authority of
the Philippines (CAAP)-Aklan Manager Martin Terre, matapos ang nangyaring
sunod-sunod na kaso ng human trafficking sa naturang paliparan.
Ayon kay Terre karamihan umano sa mga immigration
personnel na nakatalaga ngayon sa Kalibo airport ay mga baguhan mula sa central
office kasama ang bago nilang supervisor na si Lot Acuña.
Kaugnay nito sinabi pa ni Terre na patuloy ang kanilang
isinasagawang imbestigasyon sa kumakalat na alegasyon na mayroo umanong mga
dating tauhan ng immigration ang tumatanggap ng P50,000 na suhol sa bawat
maipalusot nilang overseas Filipino worker (OFW) papuntang ibang bansa na
walang sapat at kaukulang travel documents.
Bagamat wala umano silang sapat na ebidensya tungkol sa
nasabing alegasyon tiniyak naman ni Terre na hindi sila titigil na
pagpanagunitin ang mga nasa likod nito sakaling mapatunayan ang naturang isyu.
Samantala, todo bantay na ngayon ang mga security personnel
ng Kalibo International Airport upang hindi na maulit ang nangyaring pagkalusot
ng mga biktima ng human trafficking papuntang ibang bansa.
No comments:
Post a Comment