YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, June 09, 2015

Sea grass sa back beach ng Boracay, nanganganib na masira dahil sa mga bangka

Posted June 9, 2015
Ni Bert Dalia YES FM Boracay

Bulabog Beach is the most active location of Boracay Island where ...
Photo from philippinesbeach.blogspot.com
Nanganganib na masira dahil sa mga bangka ang mga sea grass sa back beach ng Boracay.

Ito ang kinumpirma ni Boracay Life Guard Commander at BFI member Mike Labatiao kasabay ng regular na Boracay Action Group flag raising ceremony kaninang umaga.

Ayon kay Labatiao, ang mga nasabing sea grass ang siyang nag-a-absorb ng pulosyon sa dagat sa buong isla kung kaya’t dapat itong pangalagaan.

Tinumbok pa ni Labatiao na ang mga bangka mismong dumadaong sa Bolabog beach ang siyang sumisira sa mga damong ito, kung kaya’t kailangan na umanong i-set back o iatras ang mga nasabing bangka.

Samantala, magugunitang ikinabahala din ng BFI o Boracay Foundation Incorporated ang kalagayan ng mga korales sa isla na natatamaan o nasisira ng mga bangkang lumalabag sa napagkasunduang set back.

Kasama naman sa pinag-usapan kanina sa pagpupulong ng BAG ang mga paghahandang gagawin para sa back beach ng Boracay lalo na’t inaasahan na ang pagpasok ng panahon ng Habagat.

No comments:

Post a Comment