Posted June 12, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Tanyag ang buwan ng Hunyo bilang weeding month, kung
kayat magkakaroon ngayong darating na Sabado ng Kasalang Bayan ang LGU Malay.
Ayon kay Municipal Civil Registrar Diovina Santea, ito
umano ay bukas para sa lahat ng mga taga Boracay at Malay na gustong magpakasal
sa nasabing Kasalang Bayan na gaganapin sa Malay Activity Center sa Hunyo 21.
Dahil dito may-nakatakda umano silang Pre-Marriage
Counseling bilang Pre-Requisite upang ma-secure ang marriage license para sa
Kasalang Bayan ng mga aplikante.
Sa darating na Hunyo 19 umano ay nakatakdang isagawa ang
Pre-Marriage Counseling sa Balabag Barangay Hall para sa mga aplikante ng
Boracay at sa Malay naman ay sa darating na Hunyo 17 sa Training Center sa Brgy.
Balusbos.
Samantala, si Mayor John Yap ang siyang mangunguna sa
nasabing espesyal na araw na ito kung saan siya ang kakasal sa mga aplikante ng
Kasalang Bayan.
No comments:
Post a Comment