Posted June 9, 2015
Ni Bert Dalida YES FM Boracay
File Photo |
Drainage system.
Ito ang hiling ngayon ng mga residente malapit sa back beach
ng Zone 5 Barangay Balabag matapos muling bahain nitong nakaraang araw.
Sa isinagawang ocular inspection ng himpilang ito kagabi sa
lugar, nabatid na marami sa mga residente doon ang pinasok ng tubig-baha.
Ayon sa ilang residente na tumanggi nang magbigay ng
recorded interview, ilang beses na silang nagpatambak sa kanilang lugar lamang
hindi pasukin ng tubig-baha sa tuwing umuulan.
Isinisi naman ng mga residente sa lugar ang kawalan ng
drainage system lalo pa’t halos kabi-kabilaan na rin ang mga gusali doon na may
mga pader, kung kaya’t wala nang madaanan ang tubig.
Samantala, nabatid na inilapit na nila sa mga kinauukulan
ang nasabing problema, subali’t wala parin umano itong aksyon.
Nabatid na hindi lamang sa nasabing lugar ang may problema
tungkol sa drainage system kungdi maging sa ilang bahagi ng mainroad ng Central
Boracay.
No comments:
Post a Comment