YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, June 11, 2015

Pagbigat ng daloy ng trapiko sa Zone 5 Bloomfield area, dahil sa re-routing scheme?

Posted June 11, 2015
Ni Bert Dalida YES FM Boracay

Image result for traffic road sa BoracayNakahinga na halos ang lahat sa mabigat na daloy ng trapiko sa main road ng Central Boracay matapos ipatupad ang traffic re-routing.

Subali’t tila naging negatibo pala ang epekto nito sa mga biyaherong dumadaan sa Zone 5 Bloomfield area.

May mga pagkakataon kasi na nagkakagit-gitan ang mga sasakyan doon sa intersection ng nasabing lugar lalo na kapag dumadaan ang mga malalaking delivery truck.

Maliban dito, mistulang nagka-kanya-kanya na lamang ang mga drayber lalo na’t wala rin kung minsan ang traffic enforcer sa lugar, kungdi sa main road o entrada lamang ng Zone 5.

Samantala, gumagaan naman kung minsan ang daloy ng trapiko dahil sa ilang miyembro ng ‘Kabayan’ na nagbubuluntaryong magbantay doon sa gabi.

Kaugnay nito, sinubukan ng aming himpilan na kunan ng pahayag ang MTRO o Malay Transportation Regulation Office, subali’t tumanggi muna ang mga itong magsalita.

Magugunitang ipinatupad ng MTRO ang traffic re-routing upang maging maaliwalas ang Boracay main road para sa APEC ministerial meeting sa isla.

No comments:

Post a Comment