Pages

Tuesday, June 16, 2015

Mga nakiisa sa Candle Lighting ng Friends of Flying Foxes kagabi, umaasang maririnig ng gobyerno ang kanilang panawagan

Posted June 16, 2015
Ni Bert Dalida YES FM Boracay

Umaasa umano ngayon ang mga nakiisa sa Candle Lighting ng Friends of Flying Foxes kagabi na maririnig ng gobyerno ang kanilang panawagan.

Isa si mismong BFI Board of Director at Motag Brgy. Captain Neneth Graft sa mga nanguna sa nasabing aktibidad kagabi na ginanap sa harap ng Willy’s Rock at dinaluhan ng dadan-daang katao.

Sa kanyang text message, sinabi ni ‘Kap’ Neneth na magsilbi sana umanong “strong pressure”sa pamahalaan ang ginawa nilang hakbang upang mapangalagaan ang isla ng Boracay.

Nabatid na nanawagan ang grupo ng Friends of Flying Foxes sa lahat ng mga nagmamalasakit sa isla na makiisa sa kanilang adhikain sa pamamagitan ng CPR o Conserve, Preserve, and Restore Boracay campaign.

Samantala, nagpapatuloy namang lumulobo ang mga nakiisa sa on line petition ng Friends of Flying Foxes tungkol sa itinatayong gusali sa Puka beach area sa Barangay Yapak.

Ito ang proyektong itinuturing na panganib para sa natitirang gubat sa isla na tirahan ng mga tinawag na Flying Foxes o ‘kabog’ sa lokal na salita.

No comments:

Post a Comment