Pages

Wednesday, June 17, 2015

Joint Committee hearing nakatakdang isagawa ng SB Malay kaugnay sa isyu ng ginagawang Ocean Park underwater hotel sa Boracay

Posted June 17, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Nakatakdang magsagawa ng Joint Committee hearing sa darating na Lunes ang Sangguniang Bayan ng Malay.

Ito ay kaugnay sa mainit na pinag-uusapan ngayon sa mga social media sa ginagawang Ocean Park Hotel ng Seven Seas Developer sa Puka Beach Boracay.

Sa ginanap na 21st Regular SB Session ng Malay kahapon sinabi ni SB Member at Chairman ng Committee on Laws Rowen Aguirre na masyado ng madami ang mga lumalabas na isyu sa mga social media at National TV.

Aniya, mayroong mga grupo na nagsasagawa ng online at petition para ipatigil ang ginagawang construction.

Iginiit din nito na ang Ocean Park Hotel ay binigyan ng LGU Malay ng building permit, Zoning Clearance at may mga sapat umano I tong requirements dahil sa wala naman umano itong nilabag ngunit hindi umano nito alam na maglalagay sila ng underwater rooms taliwas sa ipinasa sa kanilang plano kung saan hindi naman umano nila ito papayagan.

Kaugnay nito nais niya umanong imbitahan ang mga nag-iingay na grupo para mabigyang linaw ang naturang isyu kasama na ang Seven Seas developer, Zoning, BRTF, Office of the Mayor, Brgy. Yapak Officials at Department of Environmental Resources (DENR) sa nasabing hearing.

Nabatid na ang Joint Committee hearing ay binubuo ng Committee on Land Use, Committee on Environment,  Committee on Laws at Committee on Tourism.

Samantala, ang itinatayong Ocean Park sa naturang lugar ay sinasabing mayroong underwater rooms kung saan makikita ng mga guests ang marine life sa loob ng kanilang kwarto.

No comments:

Post a Comment