Posted July 23, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Muling binuksan ang usapin ng resolusyon sa Sangguniang Bayan
ng Malay bilang pagtalaga sa biyahe ng mga bangka sa Tabon Port .
Ito ay may kaugnayan sa iminungkahi ni SB Member Floribar
Bautista kung saan nagpasa ito ng resolusyon para sa nasabing biyahe ng mga bangka
pagdating ng Habagat season sa Boracay.
Nauna na nitong sinabi na nakakalito ang biyahe ng mga
bangka sa Tabon Port dahil ibinabalik pa ang biyahe nito sa Caticlan Port sa
tuwing hindi malakas ang alon doon.
Nakasaad rin dito na sa tuwing Habagat season ay
kinakailangan sa Tabon at Tambisaan Port lang ang biyahe ng mga bangka at hindi
na ito ibabalik pa sa Caticlan at Cagban Jetty Port hanggang sa hindi natatapos
ang Habagat.
Samantala, ang resolusyong ito ay pag-aaralan naman ng
committee on Laws sa pangunguna ni SB Member Rowen Aguirre bilang chairman ng
nasabing committee.
No comments:
Post a Comment