Posted July 24, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
www.aerospace.techonology.com |
Nais magsagawa ng kanilang operasyon ang Asian Aerospace
Corporation sa isla ng Boracay sa pamamagitan ng kanilang air ambulance,
helicopter.
Ito ay may kaugnayan sa isasagawang Asia Pacific Economic
Corporation (APEC) Summit sa Boracay ngayong darating na 2015.
Nabatid na isang air ambulance, helicopter charters at
airport transfer ang nais na isagawa ng nasabing kumpanya para sa mas mabilis
na pag-respondi sa oras ng emergency.
Samantala, iprinisinta na rin ng Aerospace ang kanilang
mga dokumento sa SB Malay matapos ang isinagawang committee hearing tungkol
dito.
Bago naman ito sang-ayunan ng local body nais muna nilang
makita ang sulat o kasunduan mula sa nasabing kumpanya at sa isang resort sa
Boracay na siyang gagamiting paliparan ng helicopter sa operasyon.
Bagamat marami pa itong pagdadaanan nakikita naman ng
Local Government Unit ng Malay na malaki ang maitutulong nito sa oras ng
emergency.
Sa ngayon isang mabusising pag-aaral pa ang aasahang
isasagawa ng mga kinauukulan para dito bago ang tuluyang operasyon sa isla ng
Boracay.
No comments:
Post a Comment