Posted July 24, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Kaya naman nababahala ngayon ang Fiber Industry
Development Authority (FIDA).
Ayon kay Melvin Zabala, abaca disease management
program technician ng FIDA-Aklan, karamihan ng peste ay na-monitor sa bayan ng
Libacao.
Base sa pag-aaral, may 4,268-ektaryang taniman ng
abaca sa probinsiya, kung saan pang-sampu ito sa may pinakamaraming taniman ng
abaca.
Sinabi ni Zabala na posibleng nagsimula ang peste
matapos salantain ng bagyong ‘Yolanda’ ang mga plantasyon noong Nobyembre.
Ilan lang sa pesteng tumama sa abaca sa Aklan ang
Abaca Mosaic Disease, Bract Mosaic Disease at Bunchy Top.
Samantala, nagwisik na narin umano ng pestisidyo
ang FIDA sa mga plantasyon sa Libacao.
No comments:
Post a Comment