Posted July 26, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Mabusising sinasala ng Local Government Unit ng Malay ang
mga kumpanya ng e-trike na gustong pasukin ang operasyon sa Boracay.
Ito’y matapos na ilang kumpanya na ng e-tricycle
(e-trike) ang lumapit sa LGU Malay para magprisinta ng kanilang kahilingan na magkaroon
ng operasyon sa isla.
Sa pamamagitan ng bawat presentasyon ng mga ito sa Local
Officials ng Malay kung saan iisa lang ang kanilang kagustuhan ang mga
makatulong sa turismo at sa kapaligiran.
Ilang kumpanya rin ang nakitaan ng LGU Malay ng magandang
serbisyo na makakatulong sa Boracay kabilang na nga ang kalidad ng sasakyan na
ligtas para sa mga pasahero.
Bukas naman ang LGU Malay sa mga nag-nanais na pasukin
ang kanilang operasyon sa Boracay hanggat nakikita nila dito ang kakayahan na
makatulong sa isla at sa komunidad.
Sa kabilang banda, ilang e-trike na ngayon ang bumibiyahe
sa Boracay kung saan paunti-unti nitong pinapalitan ang mga nag-ooperate na
tricycle sa isla bilang bahagi ng proyekto ng LGU Malay.
Samantala, ikinadismaya naman ng mga local official’s ang
ilang e-trike na mahina ang baterya at ang iba ay hindi na ibinabiyahe.
No comments:
Post a Comment