Posted July 24, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Araw-araw ang operasyon ng MAP o Municipal
Auxiliary Police sa mga motorsiklong may modified muffler sa Boracay.
Ito ang sinabi ni MAP Deputy Chief Rommel Salsona
sa kabila ng umano’y kakulangan nila sa man power sa pagpapatupad ng mga
ordinansa sa isla.
Aminado rin kasi ito na marami na silang
natatanggap na reklamo kaugnay sa mga maiingay na motorsiklo dahil sa kanilang
modified muffler o tambutso.
Ayon pa kay Salsona, walang gaanong lumalabas na
motorsiklong may malalakas na tambutso sa mga normal na oras kungdi sa madaling
araw, kung kaya’t may plano narin umano sila tungkol dito.
Samantala, sinabi pa ni Salsona na nakaduty sa back
beach at beach front ang mga miyembro ng MAP kung kaya’t iilan na lang din ang
nakaduty sa mainroad.
Magkaganon paman, tiniyak din ni Salsona na tututukan
nila ang problemang dulot ng maiingay na modified muffler sa Boracay na
tinaguriang noise-sensitive tourist destination.
No comments:
Post a Comment