YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, July 23, 2014

Boracay, hinagupit ng unos

Posted July 23, 2014
Ni Bert Dalida YES FM Boracay

‘Huntog’ kung sa katutubong salita at unos sa salitang Filipino.

Ito ang humagupit sa isla ng Boracay kahapon na nagdulot ng pangamba sa mga residente at mga turista sa isla.

Napakalakas kasi nito bagay na nagsipagtago sa pinakamalapit na establisemyeto ang mga naglalakad sa beach front.

Humagupit ang unos mag-aalas 4:00 kahapon ng hapon na nasaksihan ng mga residente sa Barangay Balabag, kung saan nakunan pa nila ito ng video.

Natakot din ang mga nakatira malapit sa station 1 main road nang makita nilang umiikot sa ere ang mga dahong tinangay ng malakas na hangin.

Ayon pa sa mga ito, nagulat din sila nang biglang nilipad ng hangin ang tent ng isang establisemyeto doon.

Samantala, tumagal naman ng mahigit dalawang minuto ang unos na naging dahilan din upang sandaling maputol ang suplay ng kuryente.

Nabatid na ang unos o ‘huntog’ ang siyang madalas pinangangambahan ng mga bangkero sa isla lalo na kapag may bagyo o panahon ng Habagat.

No comments:

Post a Comment