Pages

Wednesday, July 23, 2014

Resolusyong bilang pagtalaga sa biyahe ng mga bangka sa Tabon Port, muling binuksan sa SB Malay

Posted July 23, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Muling binuksan ang usapin ng resolusyon sa Sangguniang Bayan ng Malay bilang pagtalaga sa biyahe ng mga bangka sa Tabon Port .

Ito ay may kaugnayan sa iminungkahi ni SB Member Floribar Bautista kung saan nagpasa ito ng resolusyon para sa nasabing biyahe ng mga bangka pagdating ng Habagat season sa Boracay.

Nauna na nitong sinabi na nakakalito ang biyahe ng mga bangka sa Tabon Port dahil ibinabalik pa ang biyahe nito sa Caticlan Port sa tuwing hindi malakas ang alon doon.

Nakasaad rin dito na sa tuwing Habagat season ay kinakailangan sa Tabon at Tambisaan Port lang ang biyahe ng mga bangka at hindi na ito ibabalik pa sa Caticlan at Cagban Jetty Port hanggang sa hindi natatapos ang Habagat.

Samantala, ang resolusyong ito ay pag-aaralan naman ng committee on Laws sa pangunguna ni SB Member Rowen Aguirre bilang chairman ng nasabing committee.

No comments:

Post a Comment