Ni Bert Dalida, Yes FM 911 Boracay
Nangako ngayon
ng patuloy na suporta sa tourism industry ng Boracay ang BFI o Boracay
Foundation Incorporated.
Ayon kay BFI
President DIONISIO “Jony” SALME, patuloy nilang tutulungan
ang pamahalaang probinsya ng Aklan at LGU Malay, upang lalong ipromote ang turismo
sa isla.
Ito’y matapos mabigo
ang provincial government ng Aklan na maaabot ang target na 1.5 million tourist
arrival ngayong 2013.
Nabatid na
nakapagtala lamang ng 1,338,789 na mga turista mula Enero 1 hanggang Disyembre
26, 2013 ang isla ng Boracay.
Kung saan, aminado
maging si Salme tungkol dito, lalo pa’t marami ang nagpakansela ng bookings sa
isla dahil sa pananalasa ng Super Typhoon Yolanda kamakailan lang.
Magkaganon paman,
sinabi nito na maaabot parin ang nasabing target, lalo pa’t unti-unti na ring
bumabalik sa normal ang suplay ng kuryente, kumunikasyon, at maging ang mismong
tourist arrival sa isla.
No comments:
Post a Comment