Pages

Thursday, January 02, 2014

BFI, nangako ng patuloy na suporta kaugnay sa tourist promotion ng Boracay

Ni Bert Dalida, Yes FM 911 Boracay

Nangako ngayon ng patuloy na suporta sa tourism industry ng Boracay ang BFI o Boracay Foundation Incorporated.

Ayon kay BFI President DIONISIO “Jony” SALME, patuloy nilang tutulungan ang pamahalaang probinsya ng Aklan at LGU Malay, upang lalong ipromote ang turismo sa isla.

Ito’y matapos mabigo ang provincial government ng Aklan na maaabot ang target na 1.5 million tourist arrival ngayong 2013.

Nabatid na nakapagtala lamang ng 1,338,789 na mga turista mula Enero 1 hanggang Disyembre 26, 2013 ang isla ng Boracay.

Kung saan, aminado maging si Salme tungkol dito, lalo pa’t marami ang nagpakansela ng bookings sa isla dahil sa pananalasa ng Super Typhoon Yolanda kamakailan lang.

Magkaganon paman, sinabi nito na maaabot parin ang nasabing target, lalo pa’t unti-unti na ring bumabalik sa normal ang suplay ng kuryente, kumunikasyon, at maging ang mismong tourist arrival sa isla.

No comments:

Post a Comment