Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Isa sa mga benipisyaryo ng tulong ang bayan ng
Altavas na itinuturing ding gateway patungo sa isla ng Boracay.
Nakatakdang ipamudmod sa 199 households ng Brgy.
Tibiao, Altavas, Aklan ang tag dalawang libong peso sa pamamagitan ng G-Cash
money transfer mula naman sa International Federation of Red Cross (IFRC) at
Red Crescent Societies (RCS).
Sa ginanap na pulong nitong hapon sa Tibiao Brgy.
Hall.
Sinabi ni Lina Jaliobson ng IFRC at RCS, na ang
Altavas ang kauna-unahang bayan sa Aklan na bibigyan nila ng tulong pinansyal.
Target din umano nilang isunod ang bayan ng Libacao
at titingnan kung mabibigyan ang iba pang munisipilidad sa Aklan.
Samantala, sinabi pa nito na hanga sya sa
kooperasyong ipinakita ng mga Aklanon, sa kabila ng naranasang kalamidad dulot
ng nagdaang Super Typhoon Yolanda.
Ang altavas ay isa ring bayan sa Aklan na hinagupit
ng nasabing bagyo kamakailan lang.
No comments:
Post a Comment