Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Binaha ang ilang lugar sa probinsya ng Aklan lalo na sa
bayan ng Kalibo dulot ng walang tigil na buhos ng ulan simula kahapon.
Ayon sa Kalibo PNP umapaw ang Aklan river kaninang umaga
dahilan para maaberya ang mga biyahe ng sasakyan dulot ng pagbaha sa mga
kalsadahin.
Base naman sa mga ipinakalat na larawan sa social media,
umabot hanggang tuhod ang lalim ng baha sa mga kalye ng Oyo Torong, C. Laserna,
Osmena Avenue, Roxas Avenue, Crossing Rotonda at papuntang Brgy. Bakhaw Sur.
Pinasok rin ng tubig baha ang ilang mga kabahayan sa mga
nasabing lugar lalo na ang mga nakatira malapit sa Aklan river.
Ilan pa sa mga apektado ng pagbaha ay ang Brgy. Libtong,
Estancia at Mobo, Kalibo kasama ang Brgy. Laguinbanua East at Brgy. Bulwang,
Numancia gayundin sa Brgy. Bugasongan, Lezo.
Apektado rin ang biyahe ng mga sasakyan papuntang Roxas
at Iloilo City dahil sa pag-apaw ng tubig sa ilog papuntang kalsada bayan ng
Balete at Altavas.
Naging maagap naman ang Provincial Risk Reduction
Management Council (PRRMC) para paalalahanan ang mga residente na malapit sa
Aklan river na maging maingat.
Samantala, base naman sa isinagawang pagmomonitor ng mga
kapulisan unti-unti nang bumaba ang tubig baha sa ilang bayan sa Aklan.
No comments:
Post a Comment