Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Ito ang masayang ibinalita ng Philippine Red Cross
(PRC) Boracay-Malay Chapter.
Ayon kay John Patrick Moreno ng PRC Boracay.
Maliban sa mga nanganganak ay wala umano silang
natanggap na mga tawag hinggil sa mga naputukan sa pagsalubong ng taong 2014.
Marahil ay dahil narin umano ito sa maingat na ang
mga residente at mas pinili na gumamit nalang ng mga pa-ingay tulad ng torotot
sa halip na mga paputok.
Samantala, naging masaya naman ang bagong taon ng
mga residente sa isla kahit na bumuhos ang napakalakas na ulan sa kasagsagan ng
selebrasyon.
No comments:
Post a Comment