Ni Jay- Ar Arante, YES FM Boracay
All out na ang ginagawang preparasyon para sa Kalibo Ati-Atihan
Festival 2014 na gaganapin sa susunod na linggo.
Sa tulong ng isang sikat na TV Network sa bansa, handa na ngayon ang
mga kakailanganin para sa malaking event sa probinsya.
Ang Kalibo Sto. NiƱo Ati-Atihan Festival Inc. o KASAPI ang organizer sa
nasabing selebrasyon.
Suportado naman ito ng LGU Kalibo at Aklan Provincial Unit sa
pangunguna ni Gov. Florencio Miraflores.
Maging ang mga tribong kalahok sa kumpetisyon ay handa na rin kabilang
na ang iba’t-ibang bayan sa Aklan.
Kaugnay nito, magiging mahigpit naman ang gagawing siguridad ng mga
otoridad sa inaasahang pagdagsa ng maraming tao at mga sikat na artista sa
bansa.
Samantala, ang Ati-Atihan Festival ay magsisimula sa January 10
hanggang January 19, 2014.
No comments:
Post a Comment