Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Ayon kay Aklan Provincial Health Officer Dr.
Cornelio Cuachon, Jr.
Base sa kanilang datus ay mas mababa ng isa ang
insidente sa mga paputok ngayon.
Sa nasabing statistics ng Aklan Provincial Health
Office (PHO) Aklan, walo ang naitalang kaso sa fireworks injuries na kinabibilangan ng kwitis, whistle bomb at trianggulo.
Samantala, wala namang naitalang kaso ang probinsya
hinggil sa mga ligaw na bala at firework congestions.
Kinabibilangan naman ng nasa tatlo hanggang 39 na
taong gulang ang mga naputukan.
Sa kabilang dako, pinayuhan naman ni Cuachon ang ilan
pang mga naputukan na nagse-self medication, na mangyaring magtungo sa mga
pagamutan para maiwasan narin umano ang tetanus.
May ilan umano kasing inaakalang maliit lamang ang
pinsala subalit nalagyan pala ng pulbura ang sugat na kalaunan ay naging
dahilan ng tetanus.
No comments:
Post a Comment