Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Kaagad na inaksyunan ng Philippine Coast Guard
(PCG) Boracay Substation ang reklamo ng ilang mga turista hinggil sa mga motor
bancas na nagda-dock sa Station 3 Boracay.
Matapos matanggap ng PCG ang reklamo ay kaagad
namang pinuntahan ang swimming area para tingnan ang sitwasyon doon.
Ayon kay Coastguard Boracay Sub-station Commander Chief
Petty Officer Arnel Sulla.
Ang Station 3 ay lugar kung saan marami ang
nagkakaroon ng island hopping kaya’t isa rin umano ito sa mga area na masusing
binabantayan ng PCG.
Subalit, nilinaw nito na hindi naman kasi masisisi
ang mga motor bancas na nagda-dock doon sapagkat iyon din ang designated areas
para sa kanila kung saan kumukuha at nagbababa ng mga pasahero.
Maiging dobleng pag-iingat umano ang maaaring gawin
ng mga turista at huwag lumampas sa swimming area.
Kung may pasaway din kasi umanong operator ng mga
motor bancas ay meron ding ilang mga pasaway na turista.
Nabatid na ilan sa mga turista ang nagrereklamo na
baka tamaan sila ng mga bangkang sumusulpot doon habang nagkakaroon ng island
hopping.
Sa ngayon ay patuloy umano na nagbabantay ang PCG para
tiyakin ang seguridad ng mga residente at turista sa isla.
No comments:
Post a Comment