YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, October 10, 2012

Pag-demolish ng LGU Malay sa istraktura ng West Cove, iligal! --- Crisostomo Aquino

Nakahanda na ang mga abogado ni Crisostomo Aquino, may ari ng Boracay West Cove Resort sa Brgy. Yapak, na magsampa ng kaso laban sa lokal na pamahalaan ng Malay, partikular na kay Mayor John Yap.

Ito ay kapag natuloy ang demolisyon sa deck na nasa harap ng nasabing resort, ayon sa mga abugado ni Aquino.

Sa pahayag na ginawa ni Atty. Dan Florante Roxas, bagamat palagay nila ay maaaring huli na ang lahat dahil nasira na ang ilang istraktura, at kapag matuloy man bukas ang demolisyon, ngunit nanindigan pa rin sila na hindi dumaan sa tamang proseso ang lahat.

Dagdag pa dito, isang malaking pagkakamali umano sa bahagi ng LGU na nagpa-demolish sila nang walang court order at walang nangyayaring opisyal na cadastral survey sa area bago ang aksiyon.

Sa halip ay isang sulat lamang ang ipinrisenta sa kanila noong ika-dalawampu’t-siyam ng Hunyo taong kasalukuyan na naglalaman ng rekomendasyon mula sa Department of Environment and Natural Resources sa LGU na aksyunan na ang problema sa West Cove.

Ngunit hindi ito dumaan sa korte at walang court order.

Kaya naniniwala si Aquino na illegal ang demolisyon na ginawa ng LGU.

Sa official statement ni Aquino na binasa ni Atty. Roxas kahapon, huli na umano nang na-realize ng kanyang kliyente ang pagpapakumbaba nila sa unang demolisyon dahil sa pag-aakalang matapos ang pangyayaring iyon ay makikinig na ang LGU sa kanilang mga apela at ipinaglalaban pero hindi ito nangyari.

Samantala, hanggang sa ngayon ay naninindigan pa rin si Aquino na nakahanda pa rin sila na ibigay sa pamahalaan ang area na lumagpas sa 998 sq. m. na hindi sakop ng FLAg-T kaysa sa i-demolish pa umano at maaaring makasira pa ang mga debris sa dagat. ecm102012

No comments:

Post a Comment