Bagay na labis na ikinatutuwa naman ni Revenue District Officer
(RDO) Ricardo Osorio dahil sa tatlong buwan pa bago magtapos ang taon ay nalampasan
na ang P914 million target para sa taong 2012.
Katunayan, ayon kay Osorio, may surplus nang mahigit dalawangpung
milyon ngayon ang Kawanihan sapagkat ang koleksiyon nila sa kasalukuyan ay
umabot na sa P935 million.
Kaugnay nito, ang Aklan, ayon kay Osorio, ay mahahanay na sa
mga “billionaire province” pagdating sa nakokolektang buwis, gayong inaasahaang
maaabot hanggang Disyembre ang bilyong koleksiyon na ito.
Bagamat nitong nagdaang buwan ng Agusto simula noong Enero ay
umabot lamang sa P804 million ang collection ng BIR at buwan pa ng Nobyembre
inaasahang maaabot ang target.
Subalit dahil sa isang transaksiyon ng real estate sa
Boracay na nagbayad ng P76 million, biglang nalampasaan agad ang target.
Samantala, laking pasalamat naman ng RDO sa kooperasyon ng mga
tax payer at mamamahayag sa Aklan sa tulong na naibigay sa Kawanihan para
makamit ang magandang performance ng BIR kahit pa kulang umano sila sa tao. ecm102012
No comments:
Post a Comment