Ito ang inihayag ni Felix delos Santos, Chief Tourism
Officer ng Malay, kung saan balak na aniya ngayon ng Alkalde na hinilingin sa
simbahan sa isla na gawin na lamang na huling Linggo o Sabado idaos ang Ati-ati
dito, upang mapaghandaan pa ng mahabang panahon ar dahil halos ang selebrasyon
umano ng Ati-atihan dito ay nakadikit na rin sa pagdirawang ng araw ng Pasko at
Bagong Taon.
Aminado ang Chief Tourism Officer na inutusan na nga ito ng
Punong Ehekutibo na kausapin ang simbahan kaugnay dito kung saan may ideya na
rin umano ang Holy Rosary tungkol dito, subalit wala pa silang desisyon.
Umaasa naman ang LGU na sasang-ayon ang simbahan at
mapapatupad na ito ngayon 2013.
Pero nilinaw ni delos Santos na ang desisyon ay nasa
simbahan pa rin dahil aktibidad nila ito.
Dagdag pa nito, layunin lamang ng Punong Ehikutibo para dito
ay upang ang mananalo sa sa Kalibo ay iimbitahn din dito sa Boracay para
makibahagi para sa promosyon ng turismo.
Matatandaang ang Ati-atihan sa Kalibo ay pinadiriwang tuwing
ikatlo ng Sabado at Linggo ng Enero, samantala sa Boracay ay unang Linggo naman
ng Enero. ecm102012
No comments:
Post a Comment