Nanindigan ngayon si Island Administrator Glenn Sacapaño na
itutuloy talaga nila ang demolisyon sa Boracay West Cove Resort, lalo na at
kapag hindi gumalaw ang may-ari na sila na mismo ang magpatanggal sa di umano
ay illegal na straktura doon.
Ayon kay Sacapaño, noong una pumayag sila na ang resort na
ang magtatanggal, pero kung maghintay pa umano sila, tila walang nangyayari at
ang tanong ay kung kaylan pa umano gagawin iyon.
Kaya binalikan na umano ng lokal na pamahalaan ng Malay ang
area na ito upang ituloy ang demolisyon.
Lalo pa at may pinanghahawakan naman silang dokumento at
tapos na ang Habagat Season na siyang nagpapahirap sa grupo nila para ituloy
ang pag-titibag doon.
Nilinaw din ng Island Administrator na kahit sakaling ibigay
pa ng West Cove sa LGU ang pamamahala sa mga straktura na ito kaysa ipa-giba
pa.
Sinabi nitong hindi talaga puwede dahil pag-aari ang
propidad na ito ng National Government.
Dagdag pa nito, sa ginawa nila ngayon, hindi na kailangan pa
ng Court Order dahil wala naman kasong isinampa, hanggang pati ang Temporary
Restraining Order o TRO na hiniling ng Resort para ipagpaliban ang demolisyon
ay nabasura din umano.
Samantala, hindi naman mababahala si Sacapaño na masampahan
ito ng kaso ng kampo ng may-ari ng Resort, dahil may mga legal naman umano
silang basehan. ecm102012
An intereѕting diѕcussion is definitely worthcomment.
ReplyDeleteI ԁo be&X6c;ieve that you ought to p&X75;bl&X69;sh &X6D;&X6F;rе about this sub&X6a;е&X63;t, it may not be a &X74;aboo subject but t&X79;pically folks ԁon't talk about
such issues. To the next! Kind re&X67;аrds!!
My web page :: hotels in singapore