YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, October 10, 2012

Mga prodyuser at suplayer mula sa iba’t-ibang rehiyon sa bansa, maghaharap sa isang “speed matching” event sa Boracay

Masarap ‘ika nga ang puto na ipartner sa dinuguan, at ang suman naman ay sa mangga.

Subali’t ang pagpapares o pagpapartner pala ay hindi lamang sa mga pagkain.

Maging sa mga produktong pang-turismo ay pwedeng-pwede rin pala ito.

Sa darating na araw kasi ng Biyernes ay magtitipun-tipon ang mga prodyuser at suplayer ng mga hotel at resort mula sa region 3, 4, at 6 na kinabibilangan ng Bohol, Cebu, Palawan, Davao, at Cagayan de Oro, kasama na ang Aklan.

Hinikayat ang mga ito na magdala ng kanilang mga “sample”at mga “promotional materials” upang iharap o i-“match” sa mga produkto naman ng iba pang mga delegado.

Ayon pa sa DTI o Department of Trade of Industry Aklan, ang nasabing matching event ay pagkakataon din para sa mga producers at suppliers na magkaroon ng patuloy na ugnayan o business agreement tungo sa matatag na industriya ng turismo.

Gaganapin naman ang Speed Matching na ito sa isang resort sa station 3, Boracay, alas onse hanggang alas singko ng hapon, sa ilalim ng Leveraging Industries for Supply Chain (LINCs) program ng DTI. md102012

No comments:

Post a Comment