YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, October 10, 2012

Isyu sa landfill ng Malay, nalinawan na

Nasermunan tuloy si Engr. Arnold Solano, Special Project Officer ng Malay ng Sangguniang Bayan.

Ito ay makaraang malamang wala namang nakitang pagkukulang ang kontraktor na RA Builders sa P38-million na landfill ng Malay bago i-implementa ang proyekto.

Sa paraan ng presentasyon si Engr. Edmund Sese, Authorized Managing Officer ng R2 Builders sa isinagawang sisyon ng konseho kaugnay sa di umano ay kuwestiyunableng proyektong ito.

Subalit sa mga pahayag ni Sese, kumbisido naman ang SB sa naging sagot nito at nalamang taliwas pala sa mga na unang pahayag ni Solano na umano ay iniba ang desinyo ng proyekto at niliitan ang area.

Nilinaw din ng kontraktor na aprubado aniya ng alkalde ang design ng landfill gayong ang R2 Builders naman ay pinahintulutang siyang lumikha ng disenyo at gumawa proyekto.

Dagdag pa ni Sese, ang P38-million na pundo na na-bidding ay pang-phase 1 lang ng proyekto.

Kung saan, hindi lamang talaga para sa paglalagyan ng basura mula sa Boracay, napunta ang pundo kundi pati ang gusali at kalsadang bulubundukin sa loob ng landfill papunta sa imbakan mula sa main road.

Naroroon din naman at dumalo si Solano sa sesyon at siya ang nagsiwalat kaugnay sa sitwasyon ng land fill, tuloy napagsabihan pa ito ng konseho, lalo na at nakapagdala ito ng pag-alala sa SB.

Bunsod nito, nalinawan na rin ang konseho kung bakit lumiit ang area ng paglalagyan ng residual na basura mula sa Boracay, kaya mabilis itong napuno at hindi na umabot sa taong target na mapupuno ito. ecm102012

No comments:

Post a Comment