Ito ay kapag natuloy ang demolisyon sa deck na nasa harap ng
nasabing resort, ayon sa mga abugado ni Aquino.
Sa pahayag na ginawa ni Atty. Dan Florante Roxas, bagamat
palagay nila ay maaaring huli na ang lahat dahil nasira na ang ilang
istraktura, at kapag matuloy man bukas ang demolisyon, ngunit nanindigan pa rin
sila na hindi dumaan sa tamang proseso ang lahat.
Dagdag pa dito, isang malaking pagkakamali umano sa bahagi
ng LGU na nagpa-demolish sila nang walang court order at walang nangyayaring
opisyal na cadastral survey sa area bago ang aksiyon.
Sa halip ay isang sulat lamang ang ipinrisenta sa kanila
noong ika-dalawampu’t-siyam ng Hunyo taong kasalukuyan na naglalaman ng
rekomendasyon mula sa Department of Environment and Natural Resources sa LGU na
aksyunan na ang problema sa West Cove.
Ngunit hindi ito dumaan sa korte at walang court order.
Kaya naniniwala si Aquino na illegal ang demolisyon na
ginawa ng LGU.
Sa official statement ni Aquino na binasa ni Atty. Roxas kahapon,
huli na umano nang na-realize ng kanyang kliyente ang pagpapakumbaba nila sa
unang demolisyon dahil sa pag-aakalang matapos ang pangyayaring iyon ay
makikinig na ang LGU sa kanilang mga apela at ipinaglalaban pero hindi ito
nangyari.
No comments:
Post a Comment