Pages

Wednesday, October 10, 2012

Aklan, nahahanay na sa “billionaire province” pagdating sa buwis

Buwan pa lang ng Setyembre ay nalampasan na ng Bureau of Internal Revenue (BIR) Aklan ang target collection ng buong distrito.

Bagay na labis na ikinatutuwa naman ni Revenue District Officer (RDO) Ricardo Osorio dahil sa tatlong buwan pa bago magtapos ang taon ay nalampasan na ang P914 million target para sa taong 2012.

Katunayan, ayon kay Osorio, may surplus nang mahigit dalawangpung milyon ngayon ang Kawanihan sapagkat ang koleksiyon nila sa kasalukuyan ay umabot na sa P935 million.

Kaugnay nito, ang Aklan, ayon kay Osorio, ay mahahanay na sa mga “billionaire province” pagdating sa nakokolektang buwis, gayong inaasahaang maaabot hanggang Disyembre ang bilyong koleksiyon na ito.

Bagamat nitong nagdaang buwan ng Agusto simula noong Enero ay umabot lamang sa P804 million ang collection ng BIR at buwan pa ng Nobyembre inaasahang maaabot ang target.

Subalit dahil sa isang transaksiyon ng real estate sa Boracay na nagbayad ng P76 million, biglang nalampasaan agad ang target.

Samantala, laking pasalamat naman ng RDO sa kooperasyon ng mga tax payer at mamamahayag sa Aklan sa tulong na naibigay sa Kawanihan para makamit ang magandang performance ng BIR kahit pa kulang umano sila sa tao. ecm102012

No comments:

Post a Comment