Ni Malbert Dalida, News Director, YES FM Boracay
Para sa kaligtasan ng buhay at ari-arian ng publiko.
Isang public consultation ang ipinatawag ng Philippine
Coastguard sa mga resort, hotel at mga diving schools sa Boracay kaninang
umaga.
Ayon kay Caticlan Coastguard Detachment Commander Terrence
Alsosa, layunin ng nasabing pagpupulong ay upang paalalahanan ng kanilang
responsibilidad at bigyan ng kaukulang pool guidelines ang mga hotel, resorts
at iba pang establisemyento sa isla, sa pamamagitan ng proposed memorandum
circular ng Headquarters ng Philippine Coastguard.
Isa umano sa nilalaman ng naturang guidelines ay ang
pagkakaroon dapat ng mga nasabing hotel o resort ng lifeguard na sinanay at nakahandang
rumesponde sa oras ng trahedya kaugnay sa kanilang pool o sea sports operation.
Kapag naaprobahan na umano ang nasabing panukala, ay kaagad na
itong ipapatupad dito sa isla.
Samantala, inaasahan din umano ng coastguard na magiging abala
ang mga ito sa pagbibigay pa lalo ng karampatang pagsasanay sa mga
establisemyentong may kahalintulad na operasyon.
Naging positibo naman umano ang naging tugon ng mga dumalo
sa nasabing public consultation.
No comments:
Post a Comment