Ni Malbert Dalida, News Director, YES FM Boracay
Kung mag-aaplay ka ng trabaho sa isang resort o hotel sa
Boracay, maaari mong ipagmalaki kung ikaw ay mapili o italaga bilang isang
rescuer o taga sagip-buhay.
Ito’y kung tuluyan nang maisabatas sa isla na ang lahat ng
mga hotel o resort dito ay magkaroon na dapat ng sariling lifeguard na sinanay.
Ito din ay may kaugnayan sa panukala ng Philippine
Coastguard na memorandum circular.
Sa pamamagitan ng ipinatawag na public consultation kahapon
ng coastguard, sinabi ni Coastguard Caticlan Detachment Commander Terrence
Alsosa, na isa sa nilalaman ng naturang circular ay ang obligasyon ng mga hotel
o resort sa isla na maglagay ng lifeguard sa kanilang establisemyento.
Partikular ding tinukoy ni Alsosa ay ang mga resort dito na
may swimming pool.
Mao-obliga na rin umano ang mga establisemyento na isailalim
sa isang rescue training course ang ilan sa mismo nilang mga tauhan, kaugnay sa
pagsagip ng buhay at propidad ng kanilang mga guest.
Samantala, maliban pa sa mga resort na may swimming pool.
Dumalo rin kahapon sa public consultation ang mga sea sports operators at iba
pang may kahalintulad na operation.
Nakatakda namang ipatupad sa isla ang nasabing memorandum
circular, kapag tuluyan na itong maaprobahan sa lalong madaling panahon.
No comments:
Post a Comment