Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay
Ngayong araw
sinimulan ang unang araw ng Brigada Eskwela sa lahat ng pampublikong paaralan,
hindi lamang sa Aklan kundi maging sa iba pang paaralan sa buong bansa.
Bunsod nito,
umaasa ang Department of Education (DepEd)-Aklan ng suporta mula sa mga
magulang ng mga mag-aaralan na makikiisa ang mga ito sa gagawaing isang
linggong pagsasaayos sa mga kagamitan sa paaralan at kung ano pa sa mapapakinabangang
gamit sa silid aralan.
Maging ang paligid
ng mga paaralan ay lilinisin din simula ngayong araw hanggang sa darating na Biyernes,
Mayo 25.
Layunin ng
isang linggong Brigada Eskwela ng ito ay upang mai-handa ang mga silid aralan
sa pagbubukas ng klase sa darting na Hunyo 4, ayon kay Dr. Jesse Gomez, Division
Superintendent ng DepEd Aklan.
Samantala, sa
darating naman ng Lunes, Mayo 28, gaganapin na ang orientation sa mga magulang
at estudyante kaugnay sa K-12 program at iba pang alituntunin ng paaralan.
Maging ang pamimigay
ng mga libro sa mga mag-aaral para pagsapit ng Hunyo 4 sa pormal na pagbubukas ng
klase ay handa na ang lahat gayong sisimulan na ang regular na klase.
Bagamat unang
ng naihayag sa himpilang ito na noong Mayo 14 sinimulan ang Brigada Eskwela sa
mga paaralan, ngayon araw ilulunsad ang kilos na ito ng mga magulang at sa
tulong na rin umano ng buong kumunidad.
No comments:
Post a Comment