Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay
Isang bagong moratorium naman ang ikinasa ng lokal na
pamahalaan ng Malay para sa Boracay.
Dalawang buwan umano matapos ilabas ni Malay Mayor John Yap ang
kautusan hinggil sa pagpapatupad ng Task Force Moratorium, epektibo naman ngayong
Hunyo a-uno ay ipapatupad na rin ang moratorium sa lahat ng uri ng sasakyang
nais maipasok sa Boracay batay sa Memorandum Order 013 ng Alkalde.
Dahil dito, anumang uri ng sasakyan, 2, 3 at 4 wheels man
ito, ay suspendido muna ang pagpapasok sa isla na magtatagal hanggang sa Disyembre
31 ng taong ito.
Ayon kay Cezar Oczon, Transportation Officer ng Malay, dahil
sa may moratorium nang ipapatupad, pansamantala ay suspendido din muna ang
pagbibigay ng permit to transport sa lahat ng uri ng sasakyang ipapasok sa
Boracay, pribado man o pampubliko.
Bunsod nito, lahat ng bagong mga aplikante para kumuha ng permit
to transport pagsapit ng a-uno ng Hunyo ay hindi na tatanggapin.
No comments:
Post a Comment