Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay
Seryoso at pursigidong maisulong at maipatuapd na nga ng
Punong Ehekutibo ng Malay at Boracay ang Task force moratorium na ikinasa nito
para maisaayos at mapreserba ang islang ito.
Katunayan, sa pulong na ginawa kahapon, inihayag ni Ginoong
Felix Delos Santos, incoming Municipal Tourism Officer ng Malay, na nakahanada
na si Mayor John Yap na maglaan ng pondo para sa operasyon ng programang ito.
Nagawa na rin aniya ng Alkaldeng aprubahan ang pondo para sa
pagbili ng apat na Multicab na ibibigay sa tatlong barangay sa Boraray at ang
isa ay para may magamit ang mga opisyal o mga technical people na tutugon sa problemang napuna sa isla.
Maliban dito, inaprubahan din ng alkalde ang pagbili ng mga
kagamitan na gagamitin sa operasyon ng task force.
Samantala, laking pasalamat
naman ng pribadong sektor sa hakbang na ito ng LGU Malay, para
protektahan ang Boracay, batay sa inihayag ng pangulo ng Boracay Foundation
Incorporated (BFI) na si Jony Salme, maging sa pahayag kamakailan din ni Ariel
Abriam, Pangulo ng Boracay Chamber of Commerce and Industry (BCCI) kaya suportado
din nila ang nasabing Task Force.
No comments:
Post a Comment