Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay
Kapag apektado na ang kabuhayan at kinulang ang tricycle sa
Boracay, maaaring dito na umano pumasok ang over charging sa mga pasahero at
ang pananalasa ng mga habal-habal kapag ipatupad ang color coding sa biyahe ng
tricycle sa Boracay.
Ito ang isa sa ikinababahala ngayon ng Boracay Land
Transportation Multi Purpose Cooperative (BLTMPC) ayon kay BLTMPC Board of
Director Enrique Gelito.
Lalo na at matagal na umanong problema ng mga driver sa
Boracay ang pagpasada din habal-habal sa isla gayong bawal ito pero hindi parin
nabibigyan ng solusyon.
Kaya mistulang dehado naman umano ang mga tricycle drivers
sapagkat nagbabayad sila sa LGU para sa permit ng kanilang hanap buhay ngunit
sumasalida naman sa pagbiyahe para mamasahero ang iba gamit ay motorsiklo.
Hindi rin umano maiwasan ng mga driver na magtanong kung
bakit sila lang ang kailangang i-coding samantala ang mga habal-habal at
e-trike o electric tricycle sa isla ay hindi napasama.
Sa kasalukuyan ay may 512 units ng tricycle mayroon sa isla
batay sa prangkisa sa ibinigay sa kooperatiba, kaya kapag naipatupad na ito 250
lamang ang tricycle na papasada bawat araw, maliban sa araw ng Linggo.
No comments:
Post a Comment