YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, January 12, 2012

“Walang pilitan sa pagbabayad ng Garbage Fee, basta huwag na rin silang tumira sa barangay ko!” --- Punong Barangay Lilibeth Sacapaño


Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

Hinamon ngayon ni Punong Brgy. Lilibeth Sacapaño ng Balabag ang mga residente o boarders na kapag hindi ito magbayad, hihigpitan nila ang pagpapatupad ng ordinansa ukol sa tamang paghihiwalay ng basura na may multang P2,500.00.

Ito ay dahil hanggang sa ngayong ay kwestiyunable pa rin sa publiko ang P600.00 na Garbage Fee at ang bagong P200.00 na kinukolekta sa bawat empleyado bilang garbage fee din na sinisingil ng Balabag, at hindi talaga mapipilit ang mga ito na magbayad.

Ayon sa barangay kapitan, kung tutuusin umano, ang P200.00 na babayran ng isang indibidwal ay sentimo lang ito sa kinikita ng mga empleyado sa isla.

Dagdag pa nito, dapat ay makunsensiya din umano ang mga boarders at empleyado sa Boracay para mag-share din, dahil kung walang mag-aasikaso sa mga basura dito sa isla, ano na lang ang mga negosyong ito sa Boracay.

Samantala, nang matanong kung ano ang posibleng mangayri kapag hindi nagbayad ng Garbage Fee ang mga empleyado at boarders na ito sa Balabag, sinabi ng huli na hindi na nila ito ipagpipilitan pa.

Pero hiling nito, na sana ay huwag na lang tumira ang mga ito sa kanyang barangay, kung ayaw sumunod sa ordinansa na ipinatutupad sa kanyang barangay.

Ngunit bibigyan pa rin nila ang mga ito ng Barangay Clearance, subalit ililista nila ang mga pangalan ng hindi nagbayad ng Garbage Fee.

Dagdag pa ng Punong Barangay, wala di umanong iniisip ang mga taong ito sa Boracay, kundi kumita lamang na hindi manlang kahit maisip na makapagshare sa Barangay.

Ang pahayag na ito ni Sacapaño ay bilang sagot sa mga ipinipikol na katanungan kaugnay sa pangungulekta nila ng garbage fee, subalit maging ang konseho ay nagtataka rin kung bakit kailangan pang mangulekta na ang LGU Malay ay nagbibigay ng subsidy para sa pangungolekta ng basura sa isla.

No comments:

Post a Comment