YES THE BEST 911 BORACAY

Saturday, January 14, 2012

Mga bangka sa Boracay, handa na sa mga uuwing pasahero bukas


Ni Christy dela Torre, News writer, YES FM Boracay

Inaasahang dadagsa ang mga pasaherong magsisipag-uwian bukas, araw ng Linggo, mula sa ilang bayan ng Aklan lalo na ang mga pasaherong nagmula sa bayan ng Kalibo, ito’y matapos ang selebrasyon ng taunang Kalibo Ati-Atihan o selebrasyon sa kapiyestahan ni Sr. Santo NiƱo.

Kung kaya’t dahil dito, tiyak na siksikan ang mga uuwing pasahero hindi lamang sa mga Bus at mga Van, kundi maging sa sasakyang pandagat.

Ayon kay Godofredo Sadiasa, Chairman ng Caticlan-Boracay Transport Multi-Purpose Cooperative o CBTMPC, handing-handa na ang mga pampasaherong bangka na may rutang Caticlan-Boracay o Vice Versa.

Katunayan, eksaktong tatlumpung bangka mayroon ang CBTMPC na siyang maaaring sakyan ng mga pasahero bukas. Ayon pa kay Sadiasa, palagi naman umanong handa ang mga kapitan ng mga bangka upang pagsilbihan hindi lamang ang mga turista kundi maging ang mga lokal na residente.

Ngunit, sinabi nitong magiging normal lamang ang biyahe ng bangka kung maganda ang panahon dahil kung sakali aniyang hindi maganda ang panahon ay may posibilidad na ma-kansela ang ilang biyahe ng mga ito, lalo pa nga’t ang iniisip lang din umano nila ay ang kaligtasan ng mga pasahero.

Ganunpaman, nakakatiyak itong sa lahat ng oras ay may nakahandang bangka, lalo na yaong malalaking para sa mga pasaherong uuwi bukas.

No comments:

Post a Comment