YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, January 09, 2012

Target na bilang ng tourist arrival ng Boracay, hindi inabot; diperensya, konti na lang!

Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

91 na bisita na lang sana ay maaabot na ang isang milyong target na tourist arrival ngayong nagdaang taon ng 2011 batay sa naitala ng Municipal Tourism Office (MTO).

Sa rekord ng MTO, ngayong nagdaang 2011, umabot ng mahigit 900,000 ang bilang ng mga turista na pumasok sa Boracay.

Hindi man naabot ang target, tumaas naman ito ng 17% kompara noong nagdaang taon ng 2010 na nakapagtala lamang ng mahigit 700,000.

Ang labing pitong pursiyento na itinaas nitong nagdaang taon ay katumbas ng halos 130,000 turista ang naidagdag sa bilang ng MTO.

Sa tala, ang buwan ng Setyembre 2011 ang may pinakamababang bilang ng tourist arrival na umabot lamang ng halos 53,000 at ang may pinakamaraming turista naman ay ang buwan ng Abril na may mahigit 120,000 na sinundan ng buwan ng Disyembre na mahigit 80,000.

Samantala, napanatili namang ang mga Koreans ang nangunguna  sa pinakamaraming turistang dumayo sa Boracay, na umabot  sa mahigit 100,000, sinundan ng mga Taiwanese na may bilang na mahigit 75,000 at ang ika-tatlo ay ang Chinese na halos umabot 60,000 mga turista.

No comments:

Post a Comment