YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, January 10, 2012

BSTPO, may plano na sa mga “LadyBoy” na nananalasa sa Boracay

Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

Sa susunod na linggo, nakatakdang kausapin ni Supt. Julio Gustilo, Hepe ng Boracay Special Tourist Police Office si Mayor John Yap, para ilatag ang mga plano at pag-usapan ang maaaring sulosyon sa mga suliraning may kaugnayan sa nakawan sa isla na ang karamihang sangkot ay mga “ladyboy” at ang mga ito din kasi ang kalimitang nahuhuling lumalabag sa batas lalo na ang pagpagala-gala ng mga ito sa front beach pero ang pakay ng iilan ay mag-abang ng aatakehing lasing na turista.

Ayon sa Hepe, nakikipag-coordinate ito sa local na pamahalaan ng Malay, para sa gagawin nilang puspusang kampaniya laban sa ganitong gawain, gayon din sa mga naglalabas sa ordinansa ng bayan na ipinapatupad sa Boracay tulad ng iligal na pagbibinta at pag-aalok ng serbisyo at prudokto sa front beach at marami pang iba.

Layunin nila, na kung hindi man lubusang masugpo ang mga gawaing ito, kahit papano, target nilang mabawasan din ang ganitong operasyon sa isla.

Gayon paman pagdating sa usapin ng pambibiktima ng mga “lady boy” o bading sa Boracay, nilinaw ni Gustilo na hindi naman lahat ng mga bading sa isla ay may masasamang gawain, kaya binibigyang halaga parin ng awtoridad ang karapatang pantao ng mga ito, bagay na kailangan aniya ng masusing plano at pag-uusap para dito.

Samantala, umaasa naman ang Hepe na darating ang oras na ang mga lady boy na ito ay makakatulong din sa awtoridad at sa mga mamamayan dito para mapanatiling payapa at ligtas na lugar ang Boracay, lalo na kapag nabigyan ang mga ito ng pagkakataon. 

No comments:

Post a Comment